Tuesday, March 5, 2013

Grand Parents

Grand Parents




Kanino kayo mas close kay lola o kay lolo?



Ano ang tawag niyo sa inyong lola at lolo?



Para sa inyo ano ang lola at lolo?

 Ang ating mga lolo at lola o mga grand parents ay napakahalaga sa atin. Dahil pag wala sila wala din ang ating mga magulang na siyang dahilan kung bakit tayo isinilang sa mundong ito. Sila ang nag turo satin ng mga kasabihan at paniniwala nila noong kapanahunan nila. Ang kanilang mga kuwento ay puno ng aral na hango sa kanilang iba’t ibang karanasan, merong Masaya at mayroon ding malungkot na bahagi. Meron din namang mga bata na sa kanilang lolo at lola na halos lumaki At isa na ako dun. 

Meron tayong ibat ibang tawag sa kanila. ang ibat ibang tawag sa lola at lolo ay momita at puppy ,mamu at papu,mamsy at papsy,grandma at grandpa,yayay at yoyoy,nanay at tatay,inang at tatang,amah at angkong,guama at guacong. Ang tawag ko sa aking lolo at lola ay nanay at tatay. Sila ang nag aruga at nag palaki sakin simula nung ako ay isinilang hanggat sa nagka isip ako. Sa kanila ko naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya dahil ang aking magulang ay naghahanapbuhay.sila ang sumusuporta sakin sa lahat ng bagay.pag uwi ko galing eskwela ay may nakahanda ng meryenda sa lamesa na gawa ni nanay. Alagang  alaga ako ni nanay busog na busog ako sa pagmamahal at pag aaruga na ginagawa niya sa akin hanggat sa ako ay nag kaisip.  Mahal na mahal ko silang dalawa lalo na si nanay dahil sa kanya ko talaga naramdaman na ako ay espesyal. At sabi nga ng iba baka daw ako ay sunod sa layaw lahat ng gusto mo makukuha mo. Pero ang sagot naman ni nanay ay nakadipende yan sa pag papalaki mo. Kung paano mo siya pinalaki ng maayos.  Kaya lang sa kasamaang palad ay iniwan kami ni nanay noong 1st year high school ako. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga sandaling nalaman ko na wala na ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Parang gumuho ang buhay ko lahat ng panagarap namin kasama siya ay nawala na ng parang bula. Pero hindi dapat ako sumuko kaya nagpupur sige akong maka tapos dahil ito ang isa sa pangarap nila sakin ang makapag tapos ako sa pag aaral. Sa kanya ko naramdaman na napaka espesyal ko sa mundong ito. Sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang magulang. pero tinanggap ko nalang ang katotohanan kahit masakit mang tanggapin na iniwan na niya kame ng lolo ko. At sana Masaya ka kung saan Kaman ngayon nanay. At kaming dalawa nalang ng aking lolo ang magkasama. Nag sisikap ako kahit na wala na si nanay ganun paman nandito pa naman si tatay sa kanya ko na lang ibubuhos lahat ng atensiyon ko.



No comments:

Post a Comment